Laborer tinodas ng 2 armado
Pabs Hernandez III
Jan 20, 2019
1 min read
PANGASINAN—Isang laborer ang namatay nang barilin ng dalawang hindi kilalang armadong salarin, kamakalawa sa Bgy. Dalanguiring, Urbiztondo sa lalawigang ito.
Ang biktima ay kinilalang si Mariano Viernes, residente ng nabanggit na barangay.
Nabatid na nakasakay sa motorsiklo si Viernes nang sumulpot ang dalawang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para mabatid ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.





Comments