Bukod sa pag-amoy at pagtikim sa mga ito, lodi! HIGH-TECH DEVICE NA NAKADE-DETECT NG PANIS NA PAGKAI
- BULGAR

- Jan 20, 2019
- 2 min read
AYAW na ayaw nating nagtatapon ng pagkain dahil bukod sa sayang ang perang ipinambili rito, eh, hindi na natin ito makakain pang muli. Pero, mga lodi, knows ba ninyo na mayroon ng naimbentong device na kering makapagsabi kung mabubulok na ang ating mga pagkain? Weh, ‘di nga?
Isang smart tupperware container ang naimbento kung saan mayroon itong ‘smart tags’ na nakapagsasabi kung gaano kahabang panahon pa maaaring tumagal ang nilalaman nito.
Ayon sa kumpanyang Ovie Smarterware, binuo nila ang gamit na ito nang sa gayun ay ma-monitor ng user ang laman ng kanyang ref, gayundin, para maiwasan ang pagsasayang at pagtatapon ng mga pagkain dahil expired na ang mga ito.
Mabibili bilang kit ang SmartTag kung saan may kasama itong maliit na ‘tracker’ na inilalagay sa mga container na puwede ring i-clip sa kahit na anong uri ng container gamit ang holsters na nilalaman ng kit.
Sa pamamagitan ng app, nagagawang mag-send ng notification sa user kung malapit nang masira o ma-expire ang mga pagkain na mayroong tag. Gayunman, kailangan umano ng internet connection upang pumasok sa mobile phone ng user ang mga notification mula rito.
Mayroong ilaw na lumalabas mula sa SmartTag kung saan ang bawat kulay ay may kahulugan tungkol sa kalagayan ng pagkain. Ang kulay green ay nagsasabing, kalalagay lamang ng tag at bago pa ang pagkain habang priority o dapat nang kainin dahil malapit nang masira ang pagkain kapag yellow ang kulay ng ilaw at red naman kapag hindi na puwedeng kainin ang laman ng container. Sa ganitong paraan, mas mabilis na malalaman ng user kung ano ang mga pagkain na dapat na niyang kainin at hindi.
Gamit ang database ng typical food spoilage times, ang system ay may kakayahang makatantiya kung hanggang kailan puwedeng kainin ang mga pagkain na gagamitan ng SmartTag. Ayon sa Ovie Smarterware, nakatakdang ibenta sa merkado ang SmartTag anumang buwan ngayong taon. Kaya sa mga lodi natin diyan na ayaw magtapon ng pagkain at nagtitipid, para sa inyo ‘to! For sure, makatutulong ang device na ito nang sa gayun ay maiwasan ninyo ang pagtatapon ng mga pagkain.
Copy?





Comments