Bebot nagwala sa convenience store, 9 yrs. kulong
SIYAM na taong pagkakakulong ang hatol sa isang babae sa Australia matapos ang ginawa nitong pag-atake sa convenience store.
Kinilala ang suspek na si Evie Amati, 26, na nag-amok sa Lungsod ng Sydney.
Batay sa ulat, dalawa ang nasugatan nang iwasiwas ni Amati ang martilyo kung saan nakailag ang ilang kustomer.
2017 nang naganap ang pag-atake ngunit, ngayong taon lamang ito napan dahil hindi tinanggap ng korte ang depensa ng suspek na may problema umano ito sa pag-iisip.





Comments