Pusher timbog sa drug-bust
Pabs Hernandez III
Jan 19, 2019
1 min read
SOUTH COTABATO—Isang drug pusher ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation ng mga awotoridad, kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Tampakan sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Randy Diot, residente ng nabanggit na bayan.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng limang gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na si Diot na nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments