top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pakikilahok sa mga usapin para sa kamalayan sa lupus, oks!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 19, 2019
  • 2 min read

ISA sa mga panukalang-batas na inihain natin ay ang Senate Bill 2070 o “Comprehensive Lupus Prevention Act of 2018”.

Ang “lupus” ay autoimmune disease. Ibig sabihin, inaatake ng immune system ang bahagi ng katawan tulad ng cells at tissues. Ang madalas na resulta nito ay pinsala at inflammation sa iba’t ibang parte ng katawan, madalas sa kasukasuan, balat, puso, daluyan ng dugo, atay, bato at nervous system.

Nilalayon ng panukalang-batas na ma-institutionalize ang national health program na pangungunahan ng Department of Health at magsasagawa ng kampanya sa lupus prevention at treatment.

The bill also seeks to strengthen research and development in order to support and manage treatment of this disease.

May provision din para maging covered ng Philippine Health Insurance Corp. o PhilHealth ang mga bayarin sa early detection at screening programs para sa lupus.

Itatakda rin ang unang linggo ng Mayo bilang “Lupus Awareness Week” para mapukaw ang pambansang-interes at pakikilahok sa usapin sa mga isyu tungkol sa lupus, lalo na ang dinaranas at alalahanin ng mga lupus patient. Ang World Lupus Day ay idinaraos tuwing May 10.

Ayon sa Lupus Foundation of America, 5 milyong katao worldwide ang apektado ng sakit na ito at may 16,000 bagong kaso ang naitatala kada taon. Ang mas madalas na tinatamaan ng lupus ay ang kababaihan, especially those who are between 15 to 44 years old. Wala pang natutuklasang lunas para sa sakit na ito, subalit, malaki ang maitutulong ng medical intervention at lifestyle change.

Mahalaga ang early detection at treatment dahil nakamamatay ang sakit na ito, lalo na kapag napabayaan. Since public awareness of lupus is low, many families, especially mothers and daughters, do not think much of possible symptoms that they experience.

Madalas, tinitiis na lang nila ang mga sintomas dahil ang iniisip nila ay “wala lang ito” o simpleng rashes at singaw lang o kaya trangkaso at fatigue na kailangan lang ipahinga. This is common especially among mothers, particularly homemakers, who mostly put the concerns of their families first before their own well-being.

As a mother who has a child battling an autoimmune disease, kumikirot ang puso natin tuwing naiisip natin kung ano ang pagdaraanan niya in the future kapag umatake ang karamdaman niya. Panigurado, hindi lang tayo ang nakararamdam ng ganito.

Kung kaya, nararapat lamang na maging katuwang ng pamilyang Pilipino ang pamahalaan sa pagtugon sa karamdamang ito. Eventually, what we will push for is not only a health care system that deals piecemeal with diseases such as lupus, cancer or HIV. Ang pipilitin nating itaguyod ay isang lipunan na number one priority ang kalusugan at mas magandang antas ng pamumuhay para sa bawat Pilipino.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page