top of page
Pokwang.jpg

Isa pang pinoy nalunod sa ilog ng New Zealand

Jersey Sanchez
Jan 19, 2019
1 min read

BINAWIAN ng buhay ang isa pang Pinoy nang malunod sa New Zealand.

Sa pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA), naliligo umano ang 20-anyos na biktima kasama ang kanyang mga kaibigan sa Whanganui River.

Dito na umano nalunod ang biktima at natagpuan ang kanyang mga labi, kamakalawa.

Ito na umano ang pangalawang insidente ng pagkalunod sa bansa sa loob ng isang linggo.

Matatandaang, isang 26-anyos na Pinoy ang nalunod na kinilala bilang si Kent Espinosa.

Dahil sa magkakasunod na insidente, magsasagawa ng embahada ng town hall meetings sa Filipino Community para sa water safety awareness.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page