top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Sikat na aktres, kaya raw binabanatan din…PA-MHIN NA AKTOR, KALAT NANG BF NG CONTROVERSIAL GAY PERSO

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 18, 2019
1 min read

BLIND ITEM:

MATAGAL na naming nariri­nig na pinagdududahan ang gender ng sikat na aktor, pero ang latest chika na kuma­kalat sa showbiz, karelasyon daw niya ang controversial gay personality na kaaway ng sikat na aktres.

Galing ang tsismis sa kampo ng sikat na aktres kaya duda rin kami kung totoo ang kumakalat na kuwento. Baka naman kasi sinisiraan lang din nila ang sikat na aktor bilang ganti sa simpleng banat nito sa aktres.

Pero ‘yun nga ang nakiki­tang motibo ngayon ng kampo ng aktres, kaya may mga simpleng banat ang sikat na aktor sa una ay dahil karelasyon niya ang kaaway nito.

Hala, kung anu-ano nang lumalabas na kuwento ngayon at kung sinu-sino na ang nasasabit. Tiyak na malaking iskandalo ‘yan at baka mas marami pang ‘baho’ ang luma­bas kung hindi pa rin matitigil ang away ng dalawang kampo.

So, kung ayaw nilang pare-parehong masira sa publiko, please lang, AWAT NA!!!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page