top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Pramis, 'di raw talaga sila kahit nagsama abroad…JANINE, IKINANTANG ‘DI SERYOSO KAY RAYVER

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 18, 2019
  • 2 min read

AFTER the question and answer portion sa presscon ng Elise ay ginisa ng press si Janine tungkol sa tunay na estado nila ni Rayver Cruz lalo pa nga’t kasama pa niya itong nagbakasyon sa US kamakailan with her siblings and father, Ramon Christopher Gutierrez.

Siyempre, ang hinala ng lahat ay talagang sila na, pero mas maganda kung maririnig ito officially mula sa kanila.

Sey ni Janine, hindi pa raw sila, na siyempre ay ayaw paniwa­laan ng press.

Pero talaga raw wala pa silang opisyal na relasyon at wala pa rin daw silang anniv­ersary date. Mas okay daw ang ganitong set-up sa nga­yon sa kanila dahil hindi na­man sila nagmamadali.

Inamin din ng young actress na dahil sa naging past experience niya sa love, dati raw ay pinipigilan niyang maging seryoso ulit sa pag-ibig.

“Dati kasi, noong una, I guess, medyo noong una kasi, parang pinipigilan ko lang na maging masyadong seryoso rin. Kasi nga, ‘yung mga experiences from the past.

“Pero ngayon, wala na actually na rason para hindi,” deklara niya.

At dahil nga nabanggit na rin niya ang kanyang past, naitanong sa kanya kung nabalitaan ba niya ang tungkol sa nangyari sa relasyon ng ex-boyfriend niyang si Elmo Magalona at ni Janella Salvador.

“Opo,” sagot naman niya.

As we all know, naging kontrober­siyal ang hiwalayan ng dalawa dahil ayon kay Janella ay sinaktan siya ni Elmo.

Natanong si Janine kung capable ba talaga si Elmo na manakit ng babae at ayon sa ex-GF ng singer-actor ay wala naman daw siyang ganu’ng experience rito.

“Sa pagkakakilala ko sa kanya, wala po akong ganu’ng personal experience. But I don’t know anything, so I don’t really want to say anything,” she said.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page