top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Patutsada ng labs ni Tony Boy, 'di na bago…GRETCHEN AT KRIS, PAREHONG DALAGA PA, MAY AWAY NA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 18, 2019
  • 1 min read

HINDI na kami nagtataka kung nakikisawsaw man ngayon si Gretchen Barretto sa isyu ni Kris Aquino at ng dati niyang business manager na si Nicko Falcis na idinemanda nito dahil sa diumano’y pagnanakaw sa kanya.

Noong dalaga pa sina Kris at Gretchen ay meron na silang rivalry sa kani-ka­­ni­lang career. Hindi sila kai­lan­­man naging good friends o kahit na casual friends man lang.

Lagi na lang pinagku­kumpara noon sina La Greta at Kristeta. Ang lamang lang ni Kris noon, anak siya ni Pres. Cory Aquino (SLN). Ganunpaman, hindi naman naging api-apihan at dehado si Gretchen dahil sosyal na sosyal siya at may Tony Boy Cojuangco na laging naka­suporta sa kanya.

Nang mag-asawa na si Kris at nagkaroon ng anak, pansamantalang nanahimik ang giyera nila ni Gretchen. For quite some time, nagka­roon ng ceasefire sa kampo ng dalawang aktres.

Kaya hindi na nakakagulat kung bakit biglang nag-react at nambulabog si La Greta sa isyu ngayon nina Kris at Nicko, at nagbanggit pa ito ng power tripping at bullying.

Ang tanong lang namin, may dating bad experience kaya si Gretchen kay Kris Aquino? Hindi lang namin matukoy ang ugat ng kanilang naging gap noon na mukhang malalim na hindi naresolba.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page