top of page

Para sa mga nawawalan na ng gana riyan, read n‘yo ‘to, dali! 6 NA PARAAN UPANG MAS MA-MOTIVATE NGAYO

  • Donna Thea Topacio
  • Jan 18, 2019
  • 2 min read

SA totoo lang, nakasasawa talaga ang mabuhay sa mundo lalo na kung paulit-ulit lang ang ginagawa natin — papasok sa eskuwela o opisina, ma­liligo, kakain at matutulog. Hays! Mapabubuntong-hininga ka na lang talaga, pero kahit na ganu’n, kaila­ngan maging thankful pa rin tayo dahil hindi pa natatapos ang oras natin para mabuhay, kaya kung na­wawalan na kayo ng gana at feeling ninyo, eh, napaghuhulihan na kayo, don’t worry dahil narito ang ilang pa­raan kung paano maibabalik ang ating motibasyon sa buhay:

1. FEAR OF FAILURE. Isa ito sa mga paraan upang maging masigla tayo sa buhay dahil kung natatakot tayong mag-fail, ibig sabihin, gagawin natin ang lahat ng ating makakaya upang maging successful tayo kung saan araw-araw gagawa tayo ng paraan para hindi tayo mawalan ng gana sa buhay, in short, makatutulong ang “re­verse psychology”.

2. BE GRATEFUL. Sa lahat ng mayroon tayo ngayon, dapat tayong magpasalamat, hindi puwede ‘yung hindi tayo nakukuntento dahil kung ganu’n ang magiging ugali natin, hindi talaga tayo magiging masaya sa buhay. Sa totoo lang, suwerte pa rin tayo dahil kahit na mahirap ang buhay, eh, nakakayanan pa rin natin, oh, ‘di ba, bongga?

3. DO WHAT YOU’RE PASSIONATE FOR. Mas gaganahan tayong mabuhay kung ang ginagawa natin, eh, ‘yung mga bagay na gusto na­­ting gawin tulad ng pagkanta, pagsusulat, pag­sasayaw, pagbabalita, pagbebenta, pagnenegosyo at marami pang iba. Kung hindi natin gusto ang ating ginagawa, sa tingin ninyo, magiging masaya kaya tayo? Hmmm… Malamang, hindi! Hu-hu-hu! Parang pakikipagrelasyon lang ‘yan. Gets mo?

4. DON’T OBSESS OVER YOUR VI­SION. Huwag tayong OA kung mag-isip dahil mas nawawala tayo sa tamang landas kapag palagi nating iniisip ‘yung vision natin. Kapag hindi natin ito nagagawa, mas naiinis tayo sa ating sarili at may tendency na ma-depress pa tayo. Kaya alam n’yo na, ha?

5. NEVER FEEL SORRY FOR YOUR­SELF. May mga pagkakataon talaga sa buhay kung saan nagkakamali tayo dahil wala naman talagang perpekto sa mundo, pero hindi ibig sa­bihin nito, eh, sisisihin na natin ang ating sarili. Huwag tayong mag-self-pity, mga bessy! Bad ‘yun! Okie?

6. LOOK FOR INSPIRATION. Mag­ha­nap tayo ng inspirasyon sa buhay, puwedeng ka­sin­tahan, kaibigan, pamilya, aso, pusa at ma­rami pang iba.

Malaki ang maitutulong ng inspirasyon para mas ganahan tayo sa buhay da­hil kapag nand’yan sila, mas pursigido tayong gawin ‘yung mga ba­gay-bagay—madali, mahirap, paulit-ulit o na­kasasawa man ang mga ito.

Kaya mga bessy, kapit lang, okie? Huwag tayong patatalo sa kanegahan ng mundo, mas ma­inam kung sasabay lang tayo sa agos nang sa gayun ay mas gumanda ang takbo ng ating buhay.

Kaya, huwag natin kalilimutan ang palaging sinasabi ng ilan na “live your life to the fullest”!

Hi-hi-hi!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page