Matagal na raw alam, madlang pipol, niloloko lang…BINULGAR NG KAMPO NI NICKO: SAKIT NI KRIS, SCRIPTE


Photo : @nickofalcis (Left)
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!
HINDI na yata matatapos ang laban sa pagitan ng kampo nina Kris Aquino at sa magkapatid na Falcis.
Nitong Miyerkules kasi, naglabas na naman ng medical certificate si Atty. Jesus Falcis laban kay Kris sa kanyang Instagram account kung saan ay sinasabi niyang June, 2018 pa lang daw ay alam na ng Queen of All Media ang kanyang sakit na chronic urticaria.
Ayon kasi sa sinasabi ni Kris, nagsimula ang kanyang sakit nang gawin nila ang isang endorsement shoot sa Indonesia nu’ng Oct. 2018, na nag-trigger sa matinding allergies niya. Isinisisi ito ni Kris sa dating managing director ng KCAP na si Nicko Falcis na kapatid ni Atty. Jesus dahil hindi raw nito agad inalam ang location ng shoot.
Ayon sa post ni Atty. Jesus, “URTICARIA DATI PA ALAM NI KRIS AQUINO, So ‘di ba may drama etong si Kris na October 2018 lang nya nalaman na may “chronic spontaneous urticaria” sya after a battery of medical tests sa Singapore (na inuulit nya ngayon, sigh same script). Pero binigyan na nga ang Kuya ko ng Medical Certificate as early as June 14, 2018 kung saan nakalagay duon na may “chronic urticaria” sya.”
Dagdag pa ni Atty. Jesus, “Niloko mo mga followers mo Kris na October mo lang nalaman. Ginagamit mo lang ang kung anu-anong sakit para makuha mo sympathy ng mga tao and you lied about when you knew it to get it. Hindi lang urticaria sakit mo, meron ka ding ARTECARIA,” na nilagyan pa niya ng hashtags na #Liar, #Scripted, #ARTEcaria





Comments