top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Malinaw ayon sa birthday...KABIT NA NAKATAKDANG MAGBAGONG-BUHAY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 18, 2019
  • 3 min read

Dear Maestro,

Maayos sana ang lahat sa amin ng boyfriend ko hang­gang sa dumating ang araw na biglang umuwi ‘yung misis niya na nagtatrabaho sa ab­road.

Nagulat ako nang sinagot ko ‘yung tawag, babae ang nakausap ko, imbes na boy­friend ko. Pinagsalitaan ako ng kung anu-anong masasa­kit na salita, kaya naiyak na lang ako.

Mula noon, wala na rin akong text o tawag na na­tang­gap sa boyfriend ko at ‘yung mga account niya ay deac­tivated na lahat.

Sa ngayon, mag-iisang buwan na kaming walang ko­munikasyon. Kaya litung-lito ako, Maestro, hindi ko na alam ang gagawin ko. Mahal na mahal ko ang boyfriend ko at may nangyari na sa amin.

Noong hindi pa umuuwi ang misis niya, masaya ang relasyon namin at nararam­daman kong mahal na mahal din niya ako, pero gumuho ang lahat nang biglang umuwi ang misis niya.

Sa ngayon, iniisip ko na baka nagpapalamig lang siya at tatawagan din niya ako ka­pag bumalik na sa abroad ang misis niya.

Ang mga pagbabakasa­­kali ko ang tanging paraan upang mawala ang sakit na nararam­daman ko ngayon. Ma­estro, pakitago ang aming mga birthday at tunay na ad­dress.

Maraming salamat!

Umaasa,

Ms. Lonely ng Cahil, Calaca, Batangas

Dear Ms. Lonely,

Sayang at maayos sana ang relasyon ninyo ng boyfriend mo na may asawa na, ‘yun nga lang, nagsasalo kayo sa relas­yong ipinagbabawal.

Sa rurok ng inyong kaliga­yahan ay hindi ninyo nama­malayang bigla palang umuwi ang misis ng boyfriend mo mula sa abroad, pero mabuti na lang at hindi ka niya perso­nal na pinuntahan at kinom­pronta kundi sa cellphone lang.

Suwerte mo pa kung ganu’n dahil kung sa personal kayo nagkita, tiyak na mas matitin­ding salita ang iyong maririnig.

Samantala, masasabing, minsan, ganyan talaga ang bu­hay, ‘ika nga nila, walang lihim na hindi nabubunyag.

Pero si­yempre, darating ang panahon na malalaman din ng misis o asawa ng boyfriend mo ang li­him ninyong relasyon.

Subalit, kahit nabisto na ng misis ng boyfriend mo ang lihim ninyong ugnayan, masa­sabing hindi pa rito natatapos ang la­hat. Bata ka pa at ma­ganda, kaya makapagmu-move-on ka pa!

Para madali kang maka­pag-move-on, isipin mo ang sakit na iyong nararamdaman at siguradong paglipas ng mga ilang buwan at taon, unti-unti na ring maghihilom, gagaan at ga­galing na ng tuluyan ang su­gat sa iyong puso na iniwan ng boyfriend mong may asawa na.

Kaya muli, isipin mo na lang ngayon, tulad ng nasabi na, kung paano ka makapag­mu-move-on, kung sakaling hindi na talaga magbabalik ang iyong boyfriend?

Ang pinakaepektibong pa­raan upang madali kang maka­limot ay ang makipagkaibigan kang muli sa ibang lalaki.

Mag-entertain ka ng mga ba­gong manliligaw at pagkata­pos sa susunod na pakikipag­relasyon kumuha ka ng lalaking binata, ‘yung wala kang kahati upang sa sandaling nagkama­butihan kayong dalawa, dire-diresto na ang kasal at ang pag­buo ninyo ng isang maligaya at panghabambuhay na pamilya.

Ayon sa zodiac sign mong Scorpio sa birth date na 4, sa susunod na pakikipagrelasyon, humanap ka ng lalaking binata o walang asawa na ka-com­patible mo talaga.

Sila ang mga lalaking isini­lang sa zodiac signs na Can­cer, Pisces, Taurus at Aries na may mga birth date na 7, 16, at 25.

Ang nasabing mga lalaki ang higit mong katugma at sa san­daling nakipagrelasyon ka sa kanila, makararanas ka na ng isang maligaya at panghabam­buhay na pagpapamilya.

Kapag ginawa mo ang payo sa iyo, ang nasabing relasyon ay nakatakdang mangyari sa taong 2020, sa edad mong 22 pataas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page