16 todas sa bomb attack
NASAWI ang 16 katao matapos ang bomb attack sa Northern Syria.
Inako ng terrorist group na Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) ang naganap na pag-atake.
Ayon sa awtoridad, kabilang sa mga nasawi ang apat na sundalong Amerikano habang may tatlo pang sugatan.
Gayunman, nagsasagawa umano ng routine patrol ang U.S. military nang maganap ang pagsabog sa bayan ng Manbji.
Matatandaang, sinabi ni U.S. President Donald Trump noong nakaraang buwan na babawiin ang 2,000 tropa ng Amerika sa Syria dahil natalo ang ISIS doon.





Comments