Sobrang rich pero 'di masaya… VICE AT KRIS, PAREHO NG KAPALARAN


NAGMAMALASAKIT ang ilang tao sa paligid ng comedian-TV host na si Vice Ganda, na alam ng lahat na hindi masaya sa kanyang personal life ngayon.
Oo nga’t sikat na sikat siya, in demand sa product endorsements, TV shows at kumikita nang milyones, but still, empty ang puso at lagi na lang nasasaktan sa usapin ng pag-ibig ang TV host. Hindi kumpleto ang kaligayahan sa buhay ni Vice Ganda.
Sana raw, huwag naman itong matulad sa “asawa” niyang si Kris Aquino na milyones ang pera at maraming endorsements pero maraming sakit at maraming problema, zero pa ang love life.





Comments