top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Malinaw ayon sa palad...BREADWINNER NA NAKATAKDANG GANTIMPALAAN NG LANGIT DAHIL SA KABUTIHANG IPINAK

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 17, 2019
3 min read

KATANUNGAN

1. Ako ang bread­winner sa aming magka­kapatid, pero ang hirap ng ganitong kalagayan. Napapansin ko kasi na parang palagi na silang umaasa sa akin at ayaw na nilang magtrabaho o magsikap. Okay lang sana kung palagi akong may pera at may traba­ho, tulad ngayon na ka­uuwi ko palang mula sa abroad, ubos na ka­agad ang naipon ko, kaya balak kong mag-abroad muli. Makapag-a-ab­road kaya akong muli?

2. May mga kapatid pa kasi akong pinag-aaral na nasa kolehiyo na sa kasalukuyan.

3. Sa palagay ninyo, Maestro, sa ikalawang pag-a-abroad kong ito ay magtatagumpay pa rin kaya ako at sa edad kong 38, makapag-a­asawa at magkakaroon pa ba ako ng sariling pamilya?

4. Minsan, iniisip ko na sobra na ang naitu­long ko sa pamilya ko, kaya sa pag-a-abroad kong ito, dapat ang sa­rili at future ko naman ang unahin ko.

KASAGUTAN

1. Kapag naiimplu­wensiyahan ng planetang Saturn ang indibidwal lalo na silang may birth date o may destiny number na 8, 17 at 26, gayundin, silang mga isinilang sa zodiac sign na Capricorn at sa mga buwan ng Enero at Dis­yem­bre, sadyang ga­nu’n talaga ang kanilang nagiging kapalaran kung saan palagi silang tutulong at aasahan ng kanilang mga kapatid, pamilya at mga magulang.

2. Ang maganda sa ganu’ng buhay na dapat mong ikatuwa, ‘ika nga ay magpasalamat ka pa nga dahil sa halip na ikaw ang tinutulungan, hindi ba, mas blessing na matata­wag na ikaw ang tumutu­long?

3. Gayundin, mas ma­sarap na ikaw ang hi­ni­hi­ngian kaysa ikaw ang hu­mi­hingi na nanganga­hu­lugang wala kang mai­bibi­gay o walang-wala ka dahil ikaw ang nanghihi­ngi.

4. Kaya mapapansin mo, tama ‘yung palagi na­ting naririnig na kasabihan: “Mapalad ang mga nagbi­bigay kaysa sa mga bini­bigyan dahil may pambi­gay sila!”

5. Tama ang iniisip mong muli kang maka­pag-a-abroad sa ikalawang pag­­ka­kataon sapagkat ka­pansin-pansin ang napa­kalawak na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong pa­lad. Ito ay mali­naw na tanda na habang patuloy kang nangingibang-bansa, tuluy-tuloy din ang dating ng suwerte at magandang kapalaran sa iyong buhay na maibabahagi mo sa iyong pamilya.

6. Samantala, ba­ga­ma’t, nahuli ang kanyang pagsulpot, ang nakatutuwa rin ay may guhit ng ma­linaw at kaisa-isang Mar­riage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na kahit na umabot ka pa sa edad na 40 pataas, walang duda, sa itinakdang panahon ng kapalaran, ma­kapag-aasawa ka pa rin at magkakaroon ng isang simple at maligayang pa­milya, habambuhay.

MGA DAPAT GAWIN

1. Dahil maituturing na blessing ang maging breadwinner sa pamilya, siguradong darating ang panahong kahit na hindi ka gantihan ng mga kapa­tid mong natulungan mo, ang nasa itaas ang kusang ga­ganti at magpapala sa iyo. At kapag nangyari ‘yun, higit na mas mara­ming biyaya kaysa sa na­itulong mo ang siksik-liglig na ibabalik sa iyo ng langit.

2. Ayon sa iyong mga datos, nakatakdang mang­yari ngayong 2019, sa buwan ng Abril hanggang Mayo, ang ika­lawang pa­ngingibang-bansang higit na mas ma­giging masa­gana at mas mabunga kaysa sa mga na­una mong pag-alis.

Ka­sabay nito, ayon sa Love Calendar, isang la­laking isi­nilang sa buwan ng Mayo ang da­rating, ma­ki­kilala mo siya sa iba­yong-dagat, magi­ging boy­friend hanggang sa ban­dang huli ay siya na rin ang iyong ma­­papa­nga­sawa at maka­ka­sama sa pagbuo ng simple, pero masagana at mali­gayang pagpa­pa­milya, habambuhay (Dra­wing A. at B. 1-M arrow b.) na na­katakdang ma­ganap sa taong 2023, sa edad mong 43 pataas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page