top of page

Kahit phone lang ang gamit mo, besh! IBA’T IBANG TIPS SA PAGKUHA NG LITRATO

  • No Problem
  • Jan 17, 2019
  • 2 min read

NO PROBLEM

MARAMI sa atin ang mahilig kumuha ng lit­rato, mapa-selfie o groufie pa ito. Pero, ‘yung iba lalo na ang mga mil­lenial, ki­nakarir talaga ang pag­kuha ng litrato, kaya para madagdagan pa ang mga kaalaman ninyo at ma­gamit n’yo ang skill na mayroon kayo ka­hit cell­phone lamang ang gamit ninyo sa pagkuha ng lit­rato, narito ang ilang tips para sa inyo:

1. ADJUST FOCUS AND EXPOSURE. Kung gusto natin ng magandang litrato, make sure na sakto lang ang exposure at naka-focus ito sa subject ninyo nang sa gayun ay maging ma­linaw ang litrato. Kaya para sa mga pasmado, naku, matinding praktis ang kaila­ngan ninyo. He-he-he!

2. USE HDR MODE. Ang High Dynamic Range o HDR ay nagbabalanse ng kulay ng litrato kung saan kahit cellphone lamang ang gamit ninyo, eh, magmu­muk­­hang naka-SLR na kayo. ‘Yun nga lang, dapat hindi nagha-hang ang cellphone n’yo dahil mabagal ma-pro­cess ang litrato kapag naka-HDR tayo.

3. USE NATURAL LIGHT WHERE POS­SIBLE. Iba ang epekto ng natural light kaysa sa mis­mong ilaw lalo na kapag gol­­den hour, tiyak na pak na pak ang inyong litrato! Ang lakas makaganda ng natural light, besh! Char!

4. STEADY YOUR SHOT. Kapag kumukuha tayo ng litrato, huwag natin kaagad alisin ang cell­phone sa subject dahil may tendecy itong ma­ging blur­red. ‘Ika nga, steady lang tayo, mga tsong, hanggang sa ma-save natin ang litrato nang ma­linaw. Gets mo?

5. APPLY THE RULE OF THIRDS. Puwede rin nating gawin ang “rule of thirds” o ‘yung paglalagay ng grid habang kumukuha tayo ng litrato dahil nakatu­tu­long ito upang ma-im­prove natin ang shot com­position.

6. TAKE PHOTOS IN BURSTS. Ito ‘yung isang pindot pa lang, eh, napaka­dami mo nang nakuhanan, easy lang ‘to, mga besh, pag­katapos sure na makakuku­ha talaga kayo ng best shot. Sa katunayan, maganda rin ito para sa mga mahihilig ku­muha ng candid shot. Oh, ‘di ba, bongga?

7. EDIT IMAGES ON THE GO. Dahil gumaga­mit tayo ng cellphone, less hassle tayo sa pag-e-edit da­hil marami na ngayong ap­pli­cation para sa mga litrato. Isang klik lang sa download at install, eh, nand‘yan na. Mas mainam kung ang pi­pi­liing photo editor, eh, ‘yung subok na at maganda talaga.

8. INSTALL A THIRD-PARTY CAMERA APP. Marami na ring application ngayon na puwedeng gami­tin bilang camera kung saan maganda rin ito dahil may mga filter at iba’t ibang pa­raan kung paano mas ma­pa­gaganda ang pagkuha natin ng litrato. Wow!

9. EXPLORE THE DE­FAULT CAMERA APP. Kung dehins na­man na­ting gustong mag-down­load, eh, di mag­hanap tayo ng ibang paraan. Sa nga­yon, dahil sa sobrang high-tech ng mga gadget, hindi natin alam kung ano pa ba ang maio-offer ng cellphone na­tin, kaya matuto tayong mag-explore, mga besh, para dehins tayo ma­pag-iwanan. Ha-ha-ha!

10. USE FILTERS. Sa sobrang dami ng filters sa mundo, bakit tayo matatakot gamitin ito? Keri lang na­man kung gusto nating ma-ehance ‘yung kinuhanan na­ting litrato, basta huwag lang ‘yung OA na pati mukha mo burado. Hi-hi-hi!

Oh, ayan, mga beshy, hu­wag na kayong proble­ma­tic diyan, easy lang ang mga paraan na ito, kaya make sure na susundin ninyo lalo na kung bet n’yo tala­gang i-enhance ang ki­nuha­nan n’yong litrato.

Have a nice day at klik lang nang klik!

Okay?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page