top of page

Iba’t ibang sintomas ng high blood na dapat bantayan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 17, 2019
  • 2 min read

Dear Doc. Shane,

Last November, na­matay ang tatay namin dahil sa alta-presyon. Siya ay 64 years old at ang sabi ng doktor ay na-stroke raw siya at ‘yun na ang ikinamatay niya. Wala man lang kaming napansing sin­tomas sa tatay namin bago ito ma-stroke. Na­takot kami na baka mangyari rin ito sa nanay namin. Anu-ano ba ang sintomas kapag may high blood at paano ito maiiwasan? — Delfa

Sagot

Sinasabing ang high blood ay delikadong sakit dahil marami ang nagka­karoon ng sakit sa puso at strokes dahil sa sakit na ito. Maging sa kabataan ay dumarami na rin ang may mga kaso ng high blood.

Narito ang ilan sa mga sanhi ng high blood pressure:

  • Genes — ang high blood ay sakit na nama­mana.

  • Hindi magandang lifestyle o uri ng pamu­muhay.

  • Maling diet — ang pagkain ng karne na matataas sa kolesterol ay isa rin sa mga sanhi nito.

  • Pagiging tamad o kakulangan sa mobility ng katawan o uri ng trabaho (palaging nakaupo).

  • Katabaan o obesity.

  • Kakulangan sa eher­sisyo .

  • Masyadong babad sa init ng araw.

Narito ang mga sintomas ng high blood na dapat bantayan:

  • Madalas na pag­kahilo at pagsakit ng ulo.

  • Pananakit at pama­manhid ng batok

  • Panghihina ng katawan.

  • Panlalabo ng mga mata o paningin.

  • Pagsusuka at ka­walan ng gana sa pagkain.

Paalala , hindi lahat ng nabanggit na sintomas ay nangangahulugan na mataas ang blood pressure at para makasiguro, mas mainam ang magpa-check-up ng presyon ng dugo sa health center.

Narito ang ilang paraan para maiwasan ito:

  • Magkaroon ng mas healthy lifestyle.

  • Bawasan ang madalas na pagkonsumo ng karne at matatabang pagkain.

  • Iwasan ang labis na pag-inom ng alak.

  • Iwasan ang panini­garilyo.

  • Ugaliing mag-ehersisyo.

  • Magkaroon ng sapat na tulog.

  • Umiwas sa stress.

  • Huwag masyadong magbabad sa araw.

  • Ugaliin ang pagkain ng maraming prutas at gulay.

  • Bawasan din ang pag-inom ng kape.

  • Ugaliin ang regular na magpa-check-up.

  • Maglaan ng gamot para sa maintenance.

  • Iwasan ang labis na pagpapagod.

Paalala lang, ang high blood pressure ay ang pangunahing sanhi ng atake sa puso at stroke. Iwasan ang mga dapat iwasan at gawin ang mga dapat gawin. Sa bandang huli, tayo pa rin ang maka­tutulong sa sarili natin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page