top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Aktres, haping-hapi nu'ng Pasko… JENNYLYN AT TUNAY NA MADIR, NAGKABATI NA

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 17, 2019
1 min read

Nitz Miralles / BIDA

NAGKAAYOS na pala si Jen­­nylyn Mercado at ang kan­yang biological mom na umu­wi rito noong Kapas­ku­han. Nakasama pa ni Jen­ny­lyn ang ina sa birthday treat para sa ama ni Dennis Trillo.

Matatandaang ilang taong estranged si Jennylyn at ang kanyang ina at ang ama lang ng aktres ang naki­kitang kasama niya sa bahay.

Ang gandang interbyu­hin ang aktres kung paano sila nagkabati ng ina at kung sino ang unang nag-reach out.

Samantala, wala pang balita kung kailan ang airing ng Love You Two, ang rom-com series nina Jenny­lyn at Gabby Concepcion. Hindi pa sila nagsisimulang mag-taping. Hindi pa kasi kumpleto ang cast at pinipili pa ang director.

Anyway, ipapalabas sa Vietnam simula sa January 19 ang My Faithful Husband at nakakapanibago dahil in Vietnamese ang title ng serye. Hindi nabasa rito ang mga pangalan nina Jennylyn at Dennis kahit sila ang bida.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page