top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Shoutout para sa mga mahihilig mag-shopping diyan... PLASTIK NA ORGANIC, PATOK!

  • Toyang
  • Jan 16, 2019
  • 2 min read

BILI rito, bili roon, hindi lamang mga Pinoy ang mahilig mag-shopping dahil lahat ng tao basta may pera, eh, kinakarir talaga ang pagbili ng kung anu-ano, kaya tuloy ‘yung iba nagkakabaun-baon na sa utang, ‘yun lang! Pero, naisip ba natin na kawawa ang kalikasan dahil sa mga negosyanteng gumagamit pa rin ng plastik na matagal nang ipinagbabawal? Hmmm… kaya nakatutuwa dahil ngayon ay may naimbento ng plastik na organic. Woah, ‘di nga?

Sa Bali, Indonesia inimbento ang plastik na organic, ito umano ay biodergradable at ligtas gamitin.

Sa katunayan, ang plastik na ito ay nadi-dissolve sa tubig dahil ito ay gawa sa starch na nagmula sa kamoteng-kahoy kung saan sa Africa, Latin America at Asia, ito ang madalas na kinakain.

Matatandaang, nagkaroon ng plastic pollution alert noong 2017, gayundin, dito sa ating bansa, sunud-sunod ang kaso ng pagbaha, landslide at marami pang iba na ikinamatay ng nakararami na nakababahala talaga. Gayunman, wala tayong ibang masisisi kundi tayo mismong mga Pilipino dahil patuloy pa rin tayo sa paggamit ng plastik, halimbawa sa negosyo, eskuwelahan, opisina at marami pang iba.

Pero, dahil may naimbento ng plastik na organic, paniguradong marami na ang gagamit nito lalo na kung maibebenta na ito sa merkado. Samantala, dagdag pa rito, knows ba ninyo na naiinom din ang nasabing plastik, oh, ‘di ba, bongga?

Ang tanong, paano ito naiinom at kung malinis ba ito?

Dahil sa nadi-dissolve ang plastik at gawa ito sa stratch, ayon sa mga dalubhasa, ligtas daw itong inumin, pero make sure lang na malinis din ang inilagay sa loob ng plastik at walang kemikal.

Kaya ang payo ng mga eksperto, ingat-ingat pa rin tayo upang maiwasan ang food poisoning.

Mahalin natin ang ating kapaligiran tulad ng pagmamahal natin sa ating sarili at sa ating pamilya dahil kung hindi natin ito aalagaan, buhay at kinabukasan natin ang maaaring mawasak. Hu-hu-hu!

Kaya para sa mga lodi natin diyang madalas gumagamit ng plastik sa pamimili, stop na!

Marami na ngayong naimbentong eco-friendly na gamit na maaari nating gawing alternatibo sa plastik.

Have a happy and eco-friendly life, mga lodi!

Okiee?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page