Sey ng experts... POPCORN, EPEKTIB NA PANLABAN SA DEPRESYON!
- DONNABELLS
- Jan 16, 2019
- 1 min read

MOVIE marathon ang kadalasang ginagawa ng mga taong bored sa bahay lalo na ngayong sobrang dami ng nauusong palabas na talagang kinagigiliwan. Pero, sa panonood, hinding-hindi mawawala riyan ang pagkain ng popcorn na noon pa man ay nakasanayan nang bilhin ng lahat, ngunit, ano nga ba ang mga benepisyong maidudulot nito? Hmmm…
Hindi man natin madalas marinig o malaman, pero ang popcorn umano ay mayroong antioxidants na mabuti sa ating kalusugan. Nakabibilib din dahil nagmumula umano sa hull o ‘yung buto na sumasabit sa ating mga ngipin, ang antioxidants na tinatawag na polyphenols.
Ang polyphenols ay epektibong panlaban sa cancer, heart disease at marami pang iba.
Maliban pa rito, nakadaragdag umano ng sustansiya ang flavor na inilalagay sa popcorn tulad ng chocolate, strawberry, cheese at caramel, ito ay dahil bawat flavor ay may kani-kanyang function sa ating katawan tulad ng chocolate na nakabu-boost ng ating mood.
Ito rin umano ay grain, kaya tiyak na maganda ito sa kalusugan.
Gayunman, kung natatakot tayong kumain nito dahil ayaw nating tumaas ang ating sugar, maghinay-hinay lamang at siguraduhing balanse ang nai-intake na tamis at alat sa ating katawan.
Samantala, para sa mga mahihilig mag-movie marathon diyan, alam n’yo na, ha? Huwag na kayong maghanap pa ng iba dahil popcorn pa lang, sapat na.
Gayundin, popcorn na ang nakasanayan at sana hindi ito mapalitan. Aminin man natin o hindi, iba pa rin kapag popcorn ang kinakain kapag nanonood kaysa ‘yung mga binibili sa fastfood, ‘di ba? He-he-he!
Kaya sa mga beshy natin diyan na walang araw na hindi nanonood ng movie, ihanda n’yo na ang popcorn ninyo bago manood para chill at enjoy na lang kayo!
Okay?





Comments