top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Negosyante tinodas ng 2 holdaper

  • Pabs Hernandez III
  • Jan 16, 2019
  • 1 min read

PANGASINAN—Isang negosyante ang namatay nang barilin ng dalawang hindi kilalang holdaper, kamakalawa sa Bgy. San Vicente, Sta. Maria sa lalawigang ito.

Kinilala ang biktima na si Crispin Antane, nakatira sa naturang barangay, samantalang, pinaghahanap na ng pulisya ang dalawang suspek.

Ayon sa ulat, pauwi na si Antane nang holdapin ng dalawang suspek, pero nanlaban ang biktima kaya ito pinagbabaril at napatay ng dalawang holdaper.

Nang matiyak na patay na si Antane ay saka kinuha ng mga suspek ang dalang pera ng biktima na umaabot sa halagang P150, 000.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page