top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Lolo dinedbol ng lasing

Pabs Hernandez III
Jan 16, 2019
1 min read

SORSOGON CITY—Isang 60-anyos na lolo ang pinagtataga hanggang sa mapatay ng lasing, kamakalawa sa Bgy. Basud sa lungsod na ito.

Ang biktima ay nakilalang si Walter Layosa, samantalang, ang pinaghahanap na suspek ay si Larry Diamsin, kapwa residente ng nasabing lungsod.

Ayon sa ulat, habang lasing na naglalakad si Diamsin ay sa hindi malamang dahilan ay bigla nitong tinaga sa likod ang kaibigan niyang si Ramon Narvaez at dahil hindi napuruhan ay nakatakbo ito.

Hinabol ni Diamsin si Narvaez at nang hindi maabutan ay pinasok ang bahay ni Layosa at dito pinagtataga hanggang sa mapatay ang biktima.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page