Lalo na kung sobrang bongga ng Christmas Tree at mga parol n’yo, besh! TIPS SA PAGLILIGPIT NG MGA DE

HOLIDAYS are over, mga lodi! Kaya it’s time para magligpit at itabi ang mga ginamit nating pandekorasyon noong Holiday Season. Narito ang iba’t ibang paraan kung paano itatabi nang maayos ang mga Christmas decoration:
1.USE ZIPLOCK PLASTIC BAGS. Ito ang number one tip natin sa inyo, mga lodi! Gumamit ng ziplock plastic bags nang sa gayun ay puwede ninyong paghiwa-hiwalayin ang mga dekorasyon depende sa kulay o sizes. Nakatutulong din ito upang maayos na maitabi sa container ang mga dekorasyon nang hindi naghahalu-halo ang mga ito.
2.WRAP WIRES AROUND A CARDBOARD. Bago tuluyang itabi ang mga dekorasyon na may wire tulad ng Christmas lights, mabuting ipaikot muna ito sa maliit na piraso ng karton. Sa ganitong paraan, maiiwasan ang pagkakabuhul-buhol ng mga ito at less hassle sa pagkuha nito sa susunod na taon. Copy?
3.REUSE EGG TRAYS. Yes, lodi! Puwedeng-puwede gamitin ulit ang mga egg trays sa pagtatabi ng mga pandekorasyon. Paano? Ilagay lamang dito ang maliliit na ornaments o Christmas balls na ginamit ninyo. Gawin ito upang maiwasan ang pagkalat ng maliliit na pandekorasyon kapag itinabi na ang mga ito.
4.USE LABELS. Hindi lang relasyon ang dapat may label! Ano raw? Ha-ha-ha! Inirerekomenda natin ang paglalagay ng label sa mga itatabi ninyong kagamitan nang sa gayun ay mas organized at mabilis ninyong malalaman kung ano ang laman ng plastic bag o container. Kaya kung ang mga gamit ninyo ay may label, dapat kayo rin! Charot! ‘Ika nga, “check the label”, beshy! Hi-hi-hi!
5.USE CLING WRAPPER. Ito ang pinaka-easy at pinakatamad na paraan ng pagtatabi ng mga kagamitan, lodi! Kung ayaw na ninyong itabi nang paisa-isa ang mga pandekorasyon at Christmas Tree, gumamit ng cling wrapper at simulang balutin ang Christmas Tree mula sa itaas, pababa. As is na lang, beshy! Sa ganitong paraan, hindi mo na kakailanganin pang tanggalin ang mga nakakabit sa Christmas Tree. Gayundin, maiiwasan na marumihan ang Christmas Tree dahil balot na balot ito ng cling wrapper.
Oh, ayan, mga lodi, gawin ang mga paraan na ito upang tiyak na maitatabi n’yo nang maayos ang mga pandekorasyon ninyo at magagamit pa ito sa susunod na taon.
Organized na, tipid at iwas-kalat pa sa bahay o maging sa opisina. He-he-he!





Comments