10 patay sa bumagsak na eroplano
SAMPU katao ang nasawi matapos mag-crash ang cargo plane sa Iran.
Tumama ang Boeing 707 sa isang gusali habang sinusubukan nitong mag-landing sa airport sa bahagi ng kabisera ng Tehran.
Batay sa impormasyon, 16 katao ang sakay ng naturang eroplano at isang survivor pa lamang ang natatagpuan.
Nagta-transport din umano ng karne mula sa Kyrgyzstan ang eroplano.
Patuloy pa rin ang search operations sa wreckage ng bumagsak na eroplano habang inaalam ng awtoridad kung sino ang may-ari nito.





Comments