top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Ika nga, kani-kanyang taon lang ‘yan, mga besh! | MGA PARAAN NA MAGPAPASUWERTE SA MGA YEAR OF THE PI

  • Donna Thea Topacio
  • Jan 15, 2019
  • 2 min read

OINK, oink! Para sa mga ipinanganak noong 1923, 1935, 1947, 1959, 1971, 1983, 1995 at 2007 o silang mga Year of the Pig, knows na ba ninyo kung paano kayo susuwertehin ngayong 2019? Kung dehins pa, don’t worry dahil narito ang ilang tips para sa inyo:

1. GET RID OF THE OLD. Yes, besh! Itapon mo na ang mga lumang gamit na hindi mo na napakikinabangan, lalo na ‘yung mga ibinigay sa’yo ng ex mo. Joke! Mas okay kung magiging maaliwalas ang paligid at mababawasan ang mga kalat sa bahay.

2. REFRESH YOUR LOOK. Mainam daw kung magbabago kayo ng hitsura, puwede kayong magpagupit, magpapayat, magpataba o kaya ay mag-iba ng pananamit. Malaki rin ang tsansa na dahil sa paraang ito, eh, magustuhan na kayo ng matagal n’yo nang gusto. Ayiieee!

3. FINISH YOUR BUSINESS. True, hindi na puwede ‘yung sa umpisa lang tayo magaling, pagkatapos, eh, pababayaan na lang natin ‘yung mga inumpisahan natin. Gayundin, magbayad na tayo ng mga utang nang sa gayun ay hindi tayo kapitan ng kamalasan. Okie?

4. CYBER-DETOX. Stop muna raw sa magdamag na pagdudutdot sa cellphone o computer, maglaan ng oras para sa normal na buhay at huwag magpakain sa sistema ng mga bagong teknolohiya. Tandaan, isinilang tayo na wala ang mga ‘yan kaya matuto tayong bumalik sa ating pinanggalingan. Copy?

5. CLEAN YOUR MIND. Iwasan ang pag-iisip ng kung anu-ano, mas maganda kung hindi kayo mamumroblema ngayong taon nang sa gayun ay maiwasan n’yo ang stress na hindi lamang nakaaapekto sa isip kundi maging sa kalusugan din. Kapag hindi tayo stressed, hindi tayo mag-i-stress-eating, kaya mas magiging healthy ang lifestyle natin. Oh, ‘di ba?

Kaya para sa mga Year of the Pig na masyadong minalas last year, ito na ang pagkakataon n’yo para baguhin ito. Mamili lang kayo sa mga tip sa itaas at palaging tatandaan na walang masama kung susubukan.

Gets mo?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page