Bigtime pusher dedo sa shootout
Pabs Hernandez III
Jan 15, 2019
1 min read
COTABATO CITY—Isang bigtime drug pusher ang napatay nang makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng buy-bust operation, kamakalawa sa Bgy. Bagua sa lungsod na ito.
Nakilala ang suspek na si Jonathan Guerra, residente ng Bgy. Rosary Heights, sa nasabing lungsod.
Ayon sa ulat, nahalata umano ni Guerra na mga pulis ang katransaksiyon nito sa bentahan ng droga kaya pinagbabaril nito ang mga awtoridad.
Agad namang gumanti ng putok ang pulisya kaya napatay ang suspek.





Comments