top of page

48 PTS. NI CURRY, GUMIBA SA MAVS, CAVS, DI PINAPORMA ANG LAKERS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 15, 2019
  • 1 min read

BUMALIKAT si Stephen Curry ng game-high 48 puntos na may tig-24 sa bawat half period kasunod ng pagbagsak ng game-winning 3-pointer upang maitakas ng Golden State Warriors ang 119-114 na panalo laban sa host Mavericks sa NBA game kahapon.

Umiskor si Curry ng 16 puntos sa unang quarter, nakagawa ng labing isang tres at umiskor ng pinal na 7 puntos para sa Warriors sa laro kung saan nagawa pa ng Mavs na makalamang sa 113-108 sa nalalabing 3:51 sa orasan.

Tumabo si Kevin Durant ng 28 points habang may 16 si Klay Thompson. Nasayang naman ang 26 puntos ni Rookie of the Year favorite Luka Doncic para sa Dallas at may 5 assists at 6 rebounds. Nakatabo si forward Harrison Barnes ng 22, pero nang tangkain niya ang game-tying 3 point attempt sa nalalabing 5 segundo, nawalan ng control si Barnes sa dribol at nadapa.

Samantala, sa iba pang laro, bumanat si Cedi Osman ng 20 points, dumagdag si Rodney Hood ng 18 nang putulin ng bisitang Cleveland Cavaliers ang 12-game losing streak tungo sa 101-95 na panalo kontra humihilahod na Los Angeles Lakers.

Si Tristan Thompson ay may 15 puntos at 14 rebounds habang si Alex Burks ay may 17 at 13 rebounds nang pagwagian ng Cleveland ang laro sa unang pagkakataon sa Indiana mula nong Dis. 18. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page