top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Niresbakan ng netizens, dedma lang… KALAT NA: AI AI AT JUDAY, NAGKAMPIHAN VS. KRIS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 14, 2019
  • 1 min read

MAY pinatatamaan nga ba si Ai Ai delas Alas sa kanyang Instagram post kamakailan?

Nag-post si Ai Ai ng picture quote na nagsasaad ng: “You will have no peace until you have discovered how to forgive yourself, to forgive other people and let them forgive you,” na mula kay Dorothy Rowe.

Sa caption, aniya, “Ito ang P na P... para sa kapayapaan MOVE ON !!!!!!!”

Sa comments section ay ang daming naghinala na patama raw ito kay Kris Aquino na as we all know ay matagal nang kaalitan ni Ai Ai.

As expected, may mga nang-bash sa Comedy Queen kahit hindi naman sure ng mga netizens kung patama ba ito kay Kris. May nagsabing may sakit na nga raw ‘yung tao at dapat ay ipagdasal na lang niya. May nagsabi ring dapat daw ay mag-move on na ang komedyana at kung anu-ano pang mga negatibong comments.

Ang nakakaloka, nadamay pa si Judy Ann Santos na nag-comment lang ng “Tomoh!!!! Happy New Year neybor!!!”

Na-bash na rin si Juday at sinabihang down na nga ‘yung isa ay tinatapakan pa nila.

Mabuti na lang at dedma lang naman ang dalawa habang naglalabu-labo ang mga netizens sa comment section.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page