Kung si Regine, kilig na kilig sa magsyota… SARAH-MATTEO, TINATAWANAN NA LANG NI MOMMY DIVINE


LIMANG taon nang mag-boyfriend-girlfriend sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.
At nito ngang bago matapos ang taong 2018, malakas ang ugong ng balitang engaged na raw ang dalawa.
Maging ang mga kasamahan ni Sarah sa A.S.A.P. Natin ‘To ay updated sa kanyang relasyon sa long-time boyfriend na si Matteo. Kaya isa sa malalapit na kaibigan ni Sarah gaya ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid ay nagpahaging tungkol sa nababalitang engagement diumano ng dalawa.
Sa panayam ng ABS-CBN News kay Regine, aniya, “Wala lang, niloloko ko lang kasi kinikilig ako sa kanila, eh. Si Mother (Divine), nandu’n sa harap ko, tawa lang siya nang tawa,” ani Regine.
“Hindi ko alam, wala namang sinasabi (about engagement). If that were true, I would have known. She’d tell me. She’d ask me first. Kasi ganu’n ‘yun, eh,” dagdag pa niya.
Sinabi rin ng Asia’s Songbird na nagtatanong ang Popstar Royalty sa kanya tungkol sa kasal.
“We talk about it, I tell her... [na] she is at the right age naman na, marrying age na siya... Siyempre, inexperienced siya, ang dami niyang itinatanong sa akin about getting married, being in a relationship,” ani Regine.





Comments