Idinaan pa kuno sa movie, hinarang… ROBIN, GAMIT NA GAMIT SA KAMPANYA NI GEN. BATO
- BULGAR

- Jan 14, 2019
- 1 min read

BENTAHE ba na si Robin Padilla ang kinuha upang gampanan ang buhay ni Gen. Ronald “Bato” dela Rosa na isinapelikula at naka-set nang ipalabas?
May mga umaapela at nagri-react na balak harangin ang pagpapalabas ng pelikula ni Gen. Bato. Napakaagang electioneering daw nito kahit na si Robin pa ang gumanap bilang si Gen. dela Rosa.
Pero sa Feb. 12 pa naman ang opisyal na pagsisimula ng kampanya at ngayong Enero na ang naka-set na playdate ng movie.
Malakas pa rin ang hatak ni Robin sa mga moviegoers lalo na sa hanay ng mga kalalakihang mahilig sa action movies.
Anong bahagi kaya ng buhay ni Gen. dela Rosa ang sentro ng kanyang true-to-life bio flick? At magkano naman kaya ang ibinayad na talent fee kay Robin?





Comments