top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

HOROSCOPE | ENERO 14, 2019 (Lunes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 14, 2019
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG ENERO 14, 2019 (Lunes): Huwag kang mag-alala kung mabilis kang magpasya dahil ang totoo, kaya ka umaasenso at naiiwanan mo nang milya-milya ang mga karibal mo ay dahil sa bilis na ipinakikita mo.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kung saan malaki ang kikitain mo, roon ka. Hindi masama ang maghangad, ang masama ay ang hindi ka marunong mangarap. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-18-24-25-41-45.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong pahalagahan ang taong tutulong sa iyo, pero may kapalit. Ang totoo, alam niya na mahalaga ka sa buhay niya kaya ganu’n ang kabutihan niya para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-15-16-26-37-40.

GEMINI (May 21- June 20) - Kapag may nalagpasan ka, huwag kang manghinayang dahil sa landas ng buhay na iyong tinatahak ngayon ay napakarami pang magagandang bagay ang iyong madaraanan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-14-20-21-28-30.

CANCER (June 21- July 22) - Nakatutuwa ang buhay mo ngayon dahil sa biglang pagpapalit ng iyong damdamin, may nawala sa iyo, pero ang darating ay may dala-dalang suwerte para sa iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-17-21-27-35-39-42.

LEO (July 23-Aug. 22) - Kapag ayaw sa iyo ng tao, ayawan mo rin siya. Sa huli, sila ang manghihinayang dahil ang nagiging bahagi ng buhay mo ay sinusuwerte at gumaganda ang kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-19-22-25-29-33.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ipahiram mo ang iyong talino. Huwag mo itong ipagdamot, hindi ka man pasalamatan ay makaaasa ka na ang langit mismo ay bibigyan ka ng regalo na nagsasabing, susuwertehin ka. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-11-18-20-23-38.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Pasayahin mo ang alam mong lihim na malungkot. Kilala mo ang ganitong klase ng tao dahil minsan ka na ring nabuhay sa lihim na kalungkutan. Bubuwenasin ka kapag ginawa mo ito. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-2-10-14-16-24-32.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi nananalo ang mahina ang loob kung saan ibibilang kaagad sila sa mga talunan hindi pa man nagsisimula ang laban. Lakasan mo ang iyong loob nang sa gayun ay manalo ka at mas gumanda ang buhay mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-9-15-17-24-44.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Manindigan ka kung ano ang tama at mabuti na pinaniniwalaan mo. Ang may paninindigan ay hinahangaan ng langit at bibigyan ng pagkakataong mas mapaunlad pa ang kanyang buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-10-16-27-34-40.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi sa una hinapan kung panalo o talo ka. Hindi pa tapos ang laban. Mapasasaiyo ang maalamat na palayok ng ginto at yaman kapag nagpatuloy kang lumalaban. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-16-18-21-27-31.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mabilis ang mga kaganapan sa iyong harapan. Kung hindi mo bibilisan, maiiwanan ka sa kalungkutan. Magpasya ka! Gusto mo bang sumaya at magkaroon ng masarap na buhay? Masuwerteng kulay-purple.Tips sa lotto-9-12-14-30-37-45.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Lahat ay nadarapa dahil lahat ay nagkakamali. Pero, hindi lahat ay may kakayahang bumangon sa pagkakadapa. Ang masayang balita, muli kang makatatayo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-13-17-21-29-35.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page