SEPAK TAKRAW NG GO-FOR-GOLD HANDANG SUMAGUPA SA SEAG


ABALA na ngayon sa paghahanda ang Philippine sepak takraw team na inagapayan ng Go-For-Gold para sa pakay na gold medal sa 30th Southeast Asian Games na idaraos sa bansa.
Sisimulan ng 2016 world champion ang kanilang ibayong paghahanda upang muling makamit ang tagumpay para makapag-ensayo na sa Arafura Games sa Darvin, Australia sa Abril 26-Mayo 4 kung saan ang mga hebigat na teams ang makakalaban. “The key is to expose our players to as many overseas tournaments as we can for them to gain more experience against a variety of opponents,’’ ayon kay Pilipinas Sepak Takraw Association Inc. president Karen Tanchanco-Caballero.
Ibayong suporta ang ibibigay ni Go For Gold godfather Jeremy Go para sa sepak takraw buildup para sa 11-nation Games sa Nob. 30-Dis.11 na idaraos sa Clark, Subic at iba pang venues sa Metro Manila. Matapos ang kanilang kampanya sa Arafura, ang men’s at women’s squad ay darako sa South Korea at Thailand para mag-ensayo pa roon ng ilang buwan upang mahasa pa ang galing at pagtibayin ang competitive spirit ng mga atleta.
Nakapag-uwi sila ng silver at 3 bronze mula sa 2018 King’s Cup Sepak Takraw World Championships na idinaos sa Nakhon Rachasima, Thailand kung saan nakasagupa nila ang pinakapetmalu na sepak performances mula sa 31 bansa. “With more games and tournaments coming up, they are really bound to improve in time for the SEA Games,’’ ayon kay Go, na vice president din ng marketing of Powerball Marketing and Logistics Corporation ang kumpanya sa likod ng Go For Gold project.
Hinahasa rin ang players na sina Rheyjey Ortouste, Ronsited Gabayeron, Emmanuel Escote, Joshua Gleen Bullo, Alvin Pangan, John Carlo Lee at John John Bobier. Nasa tropa rin ng Go For Gold at Philippine Sports Commission sina John Jeffrey Morcillos, Joeart Jumawan, Nestleer Bandivas, Christian George Encabo at Regie Reznan Pabriga. Ang nasa women’s squad ay sina Mary Melody Taming, Abegail Sinogbuhan, Gelyn Evora, Josefina Maat, Jean Marie Sucalit, Jea Mae Pepito, Jocielle Fernandez, Aisa Sabellita, Allyssa Bandoy at Lhaina Lheil Mangubat. (MC)





Comments