Miss U, mabenta talaga… CATRIONA, INAMIN NG APO NI TITO SEN.


DU'N naman sa get-together-cum mini-preskon ni Sen. Tito Sotto para sa ipinrodyus niyang pelikulang Boy Tokwa starring Jose Manalo na showing na sa mga sinehan simula pa nu’ng January 8, ay na-meet namin ang isa sa mga apo ni Tito Sen na kasama rin sa Boy Tokwa named Mino Sotto na pogi up close and personal, in pernes, ha?
And take note, when asked kung sakaling bigyan siya ng solo movie ng lolo niyang si Tito Sen na siya ang bida, sino ang gusto niyang maging ka-partner, sinabi niya without batting an eyelash na si Catriona Gray daw dahil crush niya si Ms. Universe 2019 kahit na tipong mas mukhang bata siya kay Catriona.
Well, age doesn’t matter, ‘ika nga. Pak, ganernnn!





Comments