Tulak todas sa buy-bust
Pabs Hernandez III
Jan 12, 2019
1 min read
QUEZON—Isang drug pusher ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng buy-bust operation, kamakalawa sa Bgy. 11, Lucena City sa lalawigang ito.
Nakilala ang suspek na si Ramon Sotelo, nakatira sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, nahalata umano ni Sotelo na mga pulis ang katransaksiyon nito sa bentahan ng shabu kaya agad nitong pinagbabaril ang mga awtoridad.
Agad namang gumanti ng putok ang pulisya na nagresulta kaya napatay ang suspek.





Comments