Shoutout sa mga halos hindi na kinaya ang mga problema, last year... TIPS PARA LESS STRESS NGAYONG 2
- Jaxx
- Jan 12, 2019
- 2 min read

“NAKAI-STRESS naman!” Marahil, karamihan sa atin ay super relate pagdating sa mga bagay na talagang nakai-stress, isa kasi ito sa mga hindi maiiwasang pagkakataon sa araw-araw. ‘Yung feeling natin parang pinagti-trip-an tayo ng universe, nakakaloka! Pero, no more worries dahil narito ang ilang stress management na puwede nating i-try para good vibes lang:
1. AVOID STIMULANTS. Karamihan sa atin ay kape at sigarilyo ang isa sa mga kasangga kapag feeling natin ay stressed tayo, pero ang totoo, hindi talaga ito nakatutulong dahil ayon sa ilang pag-aaral, nagdudulot daw ang sobrang pagkonsumo ng mga produktong may caffeine, coffee, nicotine at sugar ng masamang epekto sa kalusugan. Kaya kung gusto nating maging totoong stress free, eh, iwas muna tayo sa mga ito. Okidoki?
2. EXERCISE REGULARLY. Nakatutulong ang pag-eehersisyo para mapalakas natin ang ating metabolismo kung saan nagkakaroon ito ng magandang epekto sa atin. Isa pa, epektibo rin daw ito upang ma-improve ang ating appetite. Kaya galaw-galaw din ‘pag may time!
3. CONNECT WITH PEOPLE. Ayos din na pantanggal ng stress ang pakikipagkapwa-tao. Oks lang kung magkakaroon tayo ng bonding moments kasama ang ating mga kaibigan, pamilya at iba pang tao na totoo namang concern sa atin. Besh, stop na muna tayo sa pagiging emo dahil mas nakai-stress ‘yan, ganern!
4. SEEK COUNSELING FROM A TRAINED THERAPIST. Ayos lang na mag-share tayo ng mga pinagdaraanan natin sa buhay sa mga taong malalapit sa atin, pero may limitasyon. Kung gusto nating mas maintindihan natin ang ating sarili, huwag tayong mahiyang magpakonsulta sa mga eksperto. Take note: hindi ibig sabihin na magpapakonsulta tayo, eh, may problemang malala na tayo, magsi-seek lang tayo ng kaunting payo para hindi na lumalim ang anumang pinagdaraanan natin, gets?
5. LEARN TO SAY “NO”. Ganito ‘yan, kung labag sa kalooban natin, huwag nating gawin. Super nakai-stress ang paggawa ng mga bagay na hindi natin gusto dahil hindi nagiging maganda ang resulta nito. Kaya para hassle-free tayo, isipin natin kung oks ba talaga tayo rito o napipilitan lang. Okay?
6. HELP OTHERS. ‘Ika nga, small act of kindness makes a big difference, kaya kung gusto natin na good vibes lang, eh, tara at mag-spread tayo ng kindness. Hindi lang ito nakatatanggal ng stress, nakagaganda pa ng fes, sissy! He-he-he!
Sabi nga nila, ang buhay ay parang roller coaster, may ups and down na hindi natin maiiwasan. Sobrang unexpected ang mga bagay-bagay, pero isa lang ang huwag nating kalilimutan, ‘yun ay ang mag-enjoy!
Good luck!





Comments