Sa wakas, after ng ilang buwan… JULIE ANNE, UMAMIN NANG BREAK NA SILA NI BENJAMIN
- BULGAR

- Jan 12, 2019
- 1 min read

FINALLY, nagawa na ring umamin ng Pop Sweetheart na si Julie Anne San Jose sa kanilang breakup ni Benjamin Alves.
Ilang buwan na ring naging bulong-bulungan sa showbiz ang kanilang paghihiwalay. Wala na silang larawan ni Benjamin na naka-post sa social media. At ang basehan pa ng lahat na tapos na ang love story nila ay nang magpaikli ng buhok si Julie Anne. ‘Yun daw ang senyales na break na sila ng aktor.
Nananatiling tahimik si Julie Anne sa nangyari sa kanilang relasyon ni Benjamin na tumagal din nang almost three years. Pero recently, nag-open-up na ang Asia’s Pop Sweetheart sa isang interview at umaming tapos na ang relasyon nila.





Comments