Pondo hindi naaprub BANTA NI TRUMP: NATIONAL EMERGENCY
MULING nagbigay-babala si U.S. President Donald Trump na kasama sa kanyang plano ang pagdedeklara ng national emergency sa bansa.
Nasa ika-20 araw na ang partial government shutdown sa bansa kung saan halos 800,000 empleyado ang walang suweldo.
Hindi pinirmahan ni Trump ang legislation hinggil sa muling pagbubukas ng gobyerno kung hindi kasama ang $5.7 billion budget para sa physical barrier sa U.S.-Mexico border.
Dagdag pa ng pangulo, may karapatan siyang magdeklara ng national emergency na maaaring magpondo sa naturang border kahit hindi inaprubahan ng Kongreso ang pagpopondo rito.
“I have the absolute right to declare a national emergency. Probably … I would almost say definitely,” pahayag ni Trump.
Gayunman, naninindigan ang Democrats na may kontrol sa House of Representatives na hindi nila bibigyan ng pondo ang U.S.-Mexico border.





Comments