Malinaw ayon sa palad... MISIS NA NAKATAKDANG BALIKAN NG MISTER NA NALIGAW NG LANDAS
- BULGAR

- Jan 12, 2019
- 2 min read

KATANUNGAN
Mag-iisang taon na kaming hiwalay ng mister ko at sa pagkakaalam ko ay may ibinabahay na siyang ibang babae.
Pero, gusto ko pa rin siyang makasama para hindi kami maging broken-family. Ano ang dapat kong gawin?
Kung sakali mang hindi na babalik ang mister ko, makapag-aasawa pa kaya ako kahit 46 na ang edad ko at darating ba ang lalaking habambuhay ko nang makakasama?
KASAGUTAN
Bagama’t, tila dalawa ang namataang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M at 2-M arrow a. at b.) sa kaliwa at kanan mong palad, kapansin-pansin na halos magkasinghaba ito, pareho ng kapal at halos magkalapit lang ang nasabing dalawang guhit (arrow a. at b.) ng pag-aasawa. Ibig sabihin, posibleng ang ikalawang Marriage Line (2-M arrow b.) ay ang dati mo ring asawa na pagkatapos mambabae at makipaghiwalay sa iyo, sa bandang huli, mare-realized din niya ang tama kung saan magpapasya siyang bumalik sa iyong piling tulad ng kalapating naligaw ng pugad, ngunit, pagdating ng dapit-hapon, sa dating pugad pa rin ang lilimliman upang minsan pa, muli niyang buuin ang inyong pamilya.
Ang pag-aanalisang napakalaki pa ng tsansa na kayo ay magkakabalikan ng iyong mister at muling mabuo ang inyong pamilya ay madali namang kinumpirma ng tugma ninyong zodiac sign kung saan ang Aquarius at Libra ay sadyang tugma sa isa’t isa dahil ang Libra at Aquarius ay kapwa nagtataglay ng elementong hangin. Kaya sa sandaling bumalik ang mister mo sa inyong tahanan at humingi ng sorry, wala kang magagawa at wala kang dapat gawin kundi siya ay patawarin at muling tanggapin upang maganap ang nakatakda, muling mabubuo at magiging maligaya ang inyong pamilya, na madali namang kinumpirma ng iyong suwabeng-suwabe at napakagandang lagda.
Ibig sabihin, oo nga at sa panahong ito ay namumroblema ka ngunit, paglipas ng ilan pang mga linggo o buwan, tulad ng inaasahan, magugulat ka at biglang may kakatok sa inyong pintuan at pagbukas mo ng pinto, makikita mo ang iyong mister na matagal ding naligaw ng landas at nawalay sa iyong piling, ngunit, tulad ng basang sisiw dahil sa malakas na buhos ng ulan, muli siyang lalapit sa iyong harapan upang hingin ang iyong kapatawaran. Sa panahong ‘yun, kapag nangyari na ang nabanggit na senaryo, wala kang dapat gawin kundi tanggapin siya nang buumbuo upang minsan pa, muling mabuo ang isang maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.
MGA DAPAT GAWIN
Habang, ayon sa iyong mga datos, Ms. Aquarius, bagama’t, magkahiwalay kayong mag-asawa ngayon, hindi ka pa rin dapat malungkot at mawalan ng pag-asa. Sa halip, maging positibo ka lang dahil ngayong 2019, pipihit ang gulong ng kapalaran, sa buwan ng Mayo o kaya ay Hunyo, hindi mo inaasahan, biglang uuwi sa inyong tahanan ang minsang naligaw ng landas mong mister upang humingi ng tawad at sa sandaling tinanggap mo siya at muling binigyan ng isa pang pagkakataon, walang duda, titino na at muling mabubuo at magiging maligaya ang inyong pamilya, habambuhay.




Comments