Ex-Pres. ng Zimbabwe, ninakawan ng $150-k
Jersy Sanchez
Jan 12, 2019
1 min read
NIIMBESTIGAHAN sa korte ang tatlo katao na pinaghihinalaang nagnakaw ng maleta ni Zimbabwe ex-President Robert Mugabe.
Ipinambili umano ng mga akusado ng mga kotse, bahay at alagang hayop ang perang laman ng maleta na nagkakahalagang $150,000.
Kabilang sa iniimbestigahan ang kamag-anak ng dating pangulo na si Constantia Mugabe dahil may sarili itong susi sa bahay ng biktima sa Zvimba.
Matatandaang, 2017 nang patalsikin sa puwesto ang dating lider.





Comments