top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Dagdag-sahod sa mga guro, binuhay ng pangulo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 12, 2019
  • 1 min read

MULING binuhay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-asa ng mga guro kaugnay sa inihihirit na dagdag-suweldo.

Iginiit nito ang pangako sa mga guro sa pampublikong eskuwelahan bagama’t, hindi sinabi kung magkano ang umento.

Nais umano niyang makausap si Education Secretary Leonor Briones at handa raw makipagkasundo sa mga titser.

Matatandaang, humiling ang mga guro ng umento matapos aprubahan ng Kongreso ang 100 percent increase o dobleng base pay ng mga miyembro ng militar at ibang uniformed personnel na naging epektibo noong nakaraang taon.

Gayunman, sinabi ng pangulo noong May 2018 na hindi puwedeng doblehin ang sahod ng mahigit 800,000 guro dahil hindi sapat ang pondo ng gobyerno.

Ayon sa Deparment of Budget and Management, kailangan ng dagdag-P343.7 bilyon kung pagbibigyan ang mga guro.

Maaari rin daw maisakripisyo ang pondo para sa ibang proyekto tulad nang sa imprastruktura, libreng matrikula sa kolehiyo at cash transfer program.

Hindi matatawaran ang galing at sakripisyo ng mga guro, bukod sa ating mga magulang, sa kanila tayo dapat tumanaw kung anuman ang ating naabot o saanman tayo nakarating.

Kaya dapat lang na ibalik sa kanila ang nararapat o ang higit na pasasalamat sa pamamagitan ng pagtugon sa kanilang pangangailangan.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page