Tinuklaw ng ahas sa paa
- BULGAR

- Jan 11, 2019
- 2 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Marlyn ng Marlyn_Basto@facebook.com
Dear Professor,
Napanaginipan ko na tinuklaw daw ako ng ahas sa paa, nakabitin ito at hindi ko maalis. Ano ang ibig sabihin nito?
Naghihintay,
Marlyn
Sa iyo Marlyn,
Nag-aabang sa landas ng buhay na iyong tinatahak ang tukso, kaya ang payo sa iyo ay mag-ingat ka palagi.
Nangangarap ang tao, ang totoo nga, sa lahat ng living things, tao lang ang may kakayahang mangarap.
Gayunman, may mga taong walang pangarap, kaya wala silang pag-asenso at magandang hinaharap.
Kitang-kita sa iyong panaginip na may gusto kang gawin sa buhay mo at dahil tinuklaw ka sa paa ng ahas sa panaginip, alam mo ba na ang ahas at ang demonyo ay iisa lang? Ang totoo nga, ang mismong larawan ng demonyo ay ahas.
Alam mo, iha, ang demonyo o ang ahas ay talagang buwisit sa buhay ng tao dahil ang hangarin nila sa mundo ay ang manira ng kapalaran. Dagdag pa rito, may lihim na dahilan kung bakit ganu’n ang layunin nila.
Noong nilikha ni God ang tao, sinabi Niya na, “have power, dominion and subdue the earth”.
Nang sabihin ito ni God ay naroroon ang lahat ng Kanyang nilalang at nandu’n din si Satanas na nasa anyong ahas. Kaya nagulat ang ahas na demonyo at from that time, nainggit ang ahas at itinanim niya sa kanyang puso na wawasakin niya ang buhay ng lahat.
Kaya ang mga pangarap sa landas ng buhay na kanilang tatahakin, naroroon at nag-aabang ang mga anak ni Satanas na ang misyon ay ang mabigo ang tao na maabot ang kanyang mga pangarap.
Marlyn, huwag mong hahayaang masira ang iyong mga pangarap nang dahil lang sa tukso, kaya muli, mag-ingat ka palagi.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo
del Mundo




Yong ahas bakit pumasok sa tainga ko sa panaginip ko