Mas pinalakas na batas laban sa HIV, aprub!


MALAKING bagay ang napirmahang panukala na layuning mas palakasin ang government policy sa pagtugon ng kumakalat na HIV/AIDS sa bansa.
Sa pamamagitan nito, makabubuo ng mga polisiya at programa para maiwasan ang paglaganap ng HIV at pagbibigay ng lunas, pag-aalaga at support services para sa mga mayroon nito.
Ito rin ang kailangan sa pagpapatupad ng education program para sa HIV/AIDS prevention para mabigyan ng sapat na kaalaman ang publiko sa naturang virus.
Sa ilalim din ng nasabing batas, binigyang-daan ang pagtanggal sa consent ng mga magulang na kinakailangan bago ang HIV testing na mahalaga para sa early detection.
May itinakda ring parusa sa mga mapatutunayang nangungutya o nambu-bully sa HIV/AIDS patient.
Higit sa lahat, nagpapaalala rin ang batas sa ibang tao o sa mga employer na hindi dapat i-discriminate ang mga dumaranas ng HIV dahil mas kailangan nila ng pagkalinga at pang-unawa.
Kaya magandang pagkakataon at tulong ito kasabay ng tumataas na bilang ng kaso ng HIV/AIDS sa bansa.





Comments