Braso niya, lumiit daw… BONG, IBINULGAR ANG NAGING SAKIT HABANG NAKAKULONG
- BULGAR

- Jan 11, 2019
- 3 min read

MAALIWALAS na ang ngiti ng mga singkit na mata ni former Senator Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr. sa get-together lunch niya with the entertainment media last Wednesday.
Lasap na lasap na kasi niya ang tunay na saya at tuwa pagkatapos niyang makalabas ng PNP Custodial Center last month. At punumpuno siya ng aspirations to do again the things he used to do, both in politics and showbiz, na ‘di niya nagawa for more than 4 yrs. and 6 months.
Kaya in-announce niya during the get-together lunch ang mga plano niya for his career sa 2019. Una na d’yan ang pagtakbo niyang muli bilang senador sa nalalapit na eleksiyon under the Lakas-CMD (Christian Muslim Democrats) party.
Pangalawa, ang paggawa niya muli ng pelikula. Habang nasa loob ng PNP Custodial Center ay nakagawa siya, with the help of some writers, ng limang scripts.
Among the five scripts, may napili na siya kung alin dito ang gagawin niya as his comeback film. Ayaw pang i-reveal ni Bong kung ano ang theme ng first movie na gagawin niya this year. Basta surprise raw at dapat abangan.
Pero kung mabibigyan ng chance si Bong, gusto raw niyang maging leading lady sa comeback movie niya ang reigning Miss Universe na si Catriona Gray.
“Oo, comeback ko, Catriona kaagad ano. Why not?” nakangiting sabi ni Bong.
Type rin ni Bong na makasama sa movie sina Vice Ganda, Maine Mendoza at Pia Wurtzbach.
“Well, magagaling silang artista kaya gusto ko silang makasama. Hindi lang naman isang pelikula ang plano nating gawin, marami-rami rin siguro,” sambit ni Bong.
Nakaplano rin daw ang gagawin niyang movie na isasali sa Metro Manila Film Festival this year.
“Gusto ko fantasy ‘yung movie ko for MMFF. Parang nakita ko na nami-miss din ng mga kabataan ngayon ‘yun. Medyo siguro mahal (production cost), but kailangan, ‘yung ibabayad nila, worth.”
Agree rin siya sa possibility na maka-team-up si Coco Martin sa isang movie for MMFF.
“Ah, puwede. Puwede ring Vice (Ganda). Puwede kahit sino, kung sino ‘yung gustong kumuha sa akin. Hahaha!”
On his TV career, nilinaw niya na nag-lapse na ang kontrata niya with his former network, ang GMA-7.
Kaya naman, open siya to work with any TV station at malay natin, alukin si Bong na magkaroon ng special appearance sa top-rating action drama series ni Coco na FPJ’s Ang Probinsyano.
“Hmmm... wala naman akong contract sa any network. Puwede naman akong mag-guest hangga’t hindi pa nagsisimula ‘yung 90 days na start ng campaign ng ban,” nakangiting sabi ulit ni Bong.
But on second thought, mas maigi raw siguro na huwag muna siyang tumanggap ng project sa TV.
“After election muna, but I’m (still) thinking. Pag-isipan muna.”
But what if alukin siya ni Coco na lumabas sa Ang Probinsyano?
Tumawa nang malakas si Bong sabay sabing “Kayo, ha!”
May nagbanggit naman na baka malapit nang matapos ang pulis-serye ni Coco.
“Eh, kung patapos na siya, baka sabihin, ako ang nagtapos. Parang hindi maganda na ako ang nagtapos. Hahaha! Baka sabihin, ako ang nagsara,” natatawang sabi ni Bong.
Samantala, pansin namin na tila pumayat si Bong sa pa-get-together lunch niya hosted by the two matriarchs sa showbiz na sina Mother Lily Monteverde at Marichu Vera-Perez.
“Nagwo-workout ako everyday nu’ng nakakulong ako. Tapos, nagkaroon ako ng gout dahil sa sobrang kain ko yata ng karne, sa protein, (saka) ang diet ko. Kaya ‘yun, medyo pumayat ako. Kaya sa picture ko sa FB page ko, nakita n’yo, may ano (nakabalot) ‘yung braso ko, may support ako? Ang sakit pala nu’n, grabe!”
Nagka-osteoarthritis daw siya kung saan lumiit pa ang braso niya.





Comments