top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Dalagang dehins knows kung paano sasabihin sa bf na hindi na niya ito mahal

  • ROMA AMOR
  • Jan 10, 2019
  • 1 min read

Dear Roma,

Ako si Glai, 20 years old. Sa kasalukuyan ay may BF ako at itago na lang natin siya sa panga­lang Lui, matagal siyang nanligaw sa akin kung saan umabot ito ng apat na taon. Kaya lang nga­yong kami na ay mabilis na nawala ang feelings ko para sa kanya. Gusto ko nang sabihin sa kanya na ayaw ko na, pero baka saktan niya ang sarili niya o ma-depressed siya. Sana, mabigyan ninyo ako ng payo kung paano ko iha-handle ang gani­tong sitwasyon. Salamat! — Glai

Glai,

Naku, teh, mahirap ‘yang sitwasyon mo ngayon, pero magbibigay kami ng kaunting payo sa iyo na si­guradong makatutulong upang matapos na ang pi­noproblema mo. Ang mai­papayo namin sa’yo ay hangga’t maaga pa ay sabi­hin mo na sa kanya ang nararam­daman mo, huwag mo nang isipin kung masasak­­tan siya dahil gayundin na­man kahit alin sa dalawa, si­gu­radong may masasak­tan. Humingi ka rin ng tu­long sa pamilya mo at ng iyong BF nang sa gayun ay maga­bayan nila kayo. May ka­sabihan tayo na “it’s bet­ter to be hurt by the truth than be comforted with the lies”.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page