top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

HOROSCOPE | ENERO 9, 2019 (Miyerkules)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 9, 2019
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG ENERO 9, 2019 (Miyerkules): Hindi ka bibiguin ng iyong ka­palaran hangga’t hindi mo nakukuha ang mala­laki mong ambisyon. Ito ay gi­nagarantiyahan ng araw na ito ng iyong pag­silang.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ngayon ang araw mo! Bu­kas ay araw mo rin at ang ilan pang mga araw na darating. Hu­wag mong sayangin ang masusuwerteng araw mo, gawin mo ang nararapat. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-10-13-21-25-33.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Pag-aralan mo ang iyong sa­rili. Matutuk­lasan mo na ang kulang sa iyo ay lakas ng loob para magtuluy-tuloy ang pagyaman mo. Ngayong alam mo na, ano ang dapat mong gawin? Masuwer­teng kulay-green. Tips sa lotto-14-22-28-30-35-45.

GEMINI (May 21- June 20) - Alalahanin mo ang iyong na­karaan, bakit nag-aalinlangan ka? Su­mugod ka na! Ito ang men­sahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng ku­lay-yellow. Tips sa lotto-17-18-21-28-31-32.

CANCER (June 21- July 22) - Kung ano ang ayaw mo, ‘yun mismo ang mang­­-yayari sa iyo, pero sa huli, masasabi mo na la­ngit pala ang higit na na­ka­aalam kung ano ang ma­buti para sa tao. Masuwerteng ku­lay-purple. Tips sa lot­to-1-18-28-39-43-46.

LEO (July 23-Aug. 22) - Na­pakalaking opor­tunidad ang makala­lag­pas kapag ang pinang­hawa­kan mo ay ang iyong kawa­lang-hilig sa mga mater­yal na bagay. Mali ito da­hil kailangan ng tao ng mga materyal na bagay. Masu­werteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-24-26-34-40-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi masa­sa­yang ang mga gagawin mong pagkilos. Ang masasa­yang ay ang mga araw mo na sana ay magbibigay sa iyo ng daan para umabante ang iyong buhay. Masu­wer­teng kulay-beige. Tips sa lotto-14-16-22-28-37-38.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Akala ng mga karibal mo at ng mga lihim na naiinggit sa iyo ay hin­di ka papaboran ng langit. Ang hindi nila alam ay ku­mikilos ang iyong kapala­ran para buwenasin ka. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-16-18-23-33-40.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kumilos ka na parang hawak mo na ang tagumpay nang sa gayun ay mangyari ito nang tuluyan. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masu­wer­teng kulay-black. Tips sa lotto-5-11-19-23-32-35.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung ano ang mayroon ka, gamitin mo ito sa iyong bagong pag­kakakitaan. Ang kabilin-bilinan ng iyong kapalaran ay huwag na huwag kang mangungutang. Masu­wer­teng kulay-violet. Tips sa lotto-7-10-12-20-24-34.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Tapang ang puhunan ng mga maya­yaman. Kaduwagan naman ang nasa mga hindi umu­unlad. Ngayong alam mo na ang sikreto ng buhay sa mundo, ano pa ang hi­nihintay mo? Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-14-17-25-27-32.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Dumikit ka sa mga tu­tok sa kanilang ambisyon at tiyak na tutu­tukan mo rin ang matagal mo nang pangarap na ituon ang iyong sarili sa pagpa­payaman. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-20-21-25-36-44.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Pasayahin mo ang iyong sarili, kumain ka sa labas, ‘yung ikaw lang mag-isa. Sa ganito, mag­sisimulang dumapo sa iyo ang mga suwerte. Masu­werteng kulay-brown. Tips sa lotto-9-10-18-22-28-33.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page