SKED NG BATANG PINOY, INAGAHAN PARA READY SA 30TH SEA GAMES
- Clyde Mariano
- Jan 8, 2019
- 1 min read

DAHIL sa ‘Pinas gagawin ang SEA Games sa Nobyembre, inagahan ng Philippine Sports Commission ang schedule ng three legs ng Batang Pinoy na umpisa sa Mindanao leg ng Peb. 2-9 sa Tagum, Davao del Norte.
“Batang Pinoy usually scheduled last quarter of the year. We changed the date and hold the tournaments early because of SEA Games. We’ll give our athletes enough time to prepare,” sabi ni PSC Chairman William Ramirez.
Ito ang pangalawang beses na gagawin ang Mindanao leg sa Davao del Norte at pang-apat sa Mindanao at ang unang dalawa ay sa Koronadal City, South Cotabato at Oroquieta City, Occidental Misamis. Ang Visayas leg ay lalarga sa Iloilo City sa Peb. 23-Marso 2 at ang Luzon leg ay sa Isabela sa Marso 16-23. Ang Iloilo ang pang-apat na lalawigan kung saan naging host ng Visayas edition ang Dumaguete City, Romblon at Antique.
Ang mga atletang makapapasa ng qualifying sa Davao del Norte, Iloilo at Isabela ang maglalaban sa grand finals at ang mapipili ay sasanayin ng coaches ng National Sports Associations. Ginawa ang Grand Finals ng 2018 Batang Pinoy sa Baguio Athletics Bowl sa Benguet, Mountain Province.





Comments