top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Malinaw ayon sa birthday...BEBOT NA NAKATAKDANG MAPANGASAWA ANG KASALUKUYANG BF

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 8, 2019
2 min read

Dear Maestro,

Matagal na akong su­mu­subaybay sa inyong mga ar­tikulo at naisipan kong su­mangguni sa inyo dahil may ilang katanu­ngan ako sa bu­hay at sa aking kapa­laran.

Ang tanong ko ay kung panghabambuhay na ba kami ng boyfriend ko at kung magka­katuluyan kami? Sep­tember 29, 1990 ang birth­day ko at October 14, 1990 naman ang boy­friend ko.

Umaasa,

Julianne ng Balagbag, Cuenca, Batangas

Dear Julianne,

Compatible kayo ng ka­salukuyan mong boyfriend dahil kapwa kayo under sa zodiac sign na Libra kung saan ang birthday mong Sep­tember 29, 1990 at October 14, 1990 ang boyfriend mo ay sadya ngang tugma sa isa’t isa sapagkat pareho ka­yong nagtataglay ng elemen­tong hangin, kaya tulad ng nasabi na, sa pag-aanalisang Western Astrology, suwe­tung-suweto ang inyong pag­sasama at habang kayo ay nagmamahalan, itatala ang isang maligaya at pangha­bam­buhay na relasyon.

Dagdag pa rito, sa Nu­merology, ang birth date mong 29 o 2 (2+9=11/ 1+1= 2) ay nagtataglay ng plane­tang Moon-Neptune na na­iimpluwensiyahan din ng elementong tubig habang ang destiny number ng boy­friend mo na 7 (10+14+ 1990=2014/ 20+14=34/ 3+4=7) ay compatible sa iyo na ang ibig sabihin, sa pag-aanalisang pang-Nu­merology, tugmang-tugma ang inyong pagsasama.

Samantala, bukod sa birth date mong 29 o 2 (2+9 =11/ 1+1=2), ikaw din ay nag­­tataglay ng destiny num­ber na 3 (9+29+1990 =2028/ 20+28=48/ 4+8=12/ 1+2=3) na siya namang secondary number ng zodiac sign nin­yong Libra. Ibig sa­bihin, sa pag-a­analisang As­tro-Nu­mero­logy, compatible kayo ng boyfriend mo.

Kaya, ayon sa Decadens ng Kapalaran na pinaigting pa ng inyong Love Calendar sa susunod na taong 2020 o kaya ay ngayong taong 2019, sa edad ninyong 29 pataas, kayo na nga ang magkaka­tuluyan at tinatayang mag­sasama sa pagbuo ng isang maligaya at panghabam­buhay na pamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page