top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Extortionist nakumpiskahan ng damo

Pabs Hernandez III
Jan 8, 2019
1 min read

LA UNION—Isang lalaki ang dinakip ng pulisya nang mahuli sa aktong nangingikil at nakumpiskahan pa ng marijuana, kamakalawa sa Bgy. San Blas, Luna sa lalawigang ito.

Kinilala ang suspek na si Jun Bautista, nakatira sa naturang barangay.

Ayon sa ulat, dinakip ng mga awtoridad si Bautista dahil sa pangingikil nito sa hindi pinangalanang biktima at nang kapkapan ang suspek ay nakumpiskahan pa ito ng isang sachet ng marijuana.

Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong extortion at paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page