Tanggap na walang gamot ang sakit niya…KRIS, INIHABILIN NA SINA JOSH AT BIMBY SA MGA UTOL
- BULGAR

- Jan 7, 2019
- 1 min read

Right: Instagram circulated photo
HINDI pa rin tinatantanan si Kris Aquino ng kanyang iba’t ibang sakit at allergies, pero positibo siya na matatagpuan din ang tamang lunas sa tulong ng mga doktor niya abroad.
Sa Singapore nagpapaalaga ng kanyang kalusugan si Kris. Hindi siya nawawalan ng pag-asa. Bukas-palad na niyang tinanggap ang kanyang sitwasyon.
Wish ni Kris na maging healthy ang dalawa niyang anak na sina Josh at Bimby. Si Bimby, madalas niyang ibilin sa kanyang mga kapatid upang mapangalagaan nang husto. Gusto niyang si Bimby ang tumayong guardian ni Josh sakaling may mangyari sa kanya.
Naihabilin na ni Kris sa anak na si Bimby na alagaan nito ang kanyang Kuya Josh. At his early age, nakikita naman niyang very responsible young man si Bimby.
Ngayon pa lang, pinaghahandaan na nang husto ni Kris ang magiging buhay ng kanyang mga anak.
Kaya naman, humihingi siya ng dasal sa lahat upang maka-recover siya sa kanyang misteryosong sakit.
Ang kalusugan nilang mag-anak ang prayoridad ngayon ni Kristeta. Hindi na siya humihiling ng mga materyal na bagay para sa kanyang sarili. Nasasabik na rin siyang maging normal na ang lahat at magawa ang mga tinanggap na endorsements.





Comments