top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Pinsala ng bagyong pabuk abot sa 5 bilyon

Jersy Sanchez
Jan 7, 2019
1 min read

UMABOT sa 5 billion baht o P8 bilyon ang pinsala na tinamo ng ekonomiya ng Thailand matapos ang pananalasa ng Tropical Storm Pabuk.

Batay sa ulat, libu-libong kabahayan ang nasira sa bagyo at ilan sa mga ospital ay nalubog sa baha.

Gayundin, na-washout ng bagyo ang kabahayan sa probinsiya ng Nakhon Si Thammarat na pinakaapektado ng bagyo.

Mahigit 1,000 residente ang inilikas ng gobyerno matapos ang pananalasa ng masungit na panahon.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page